13th month pay
National

DOLE, muling nagpaalala sa mga employers sa pagbibigay ng 13th month pay

MULING pinaalalalahanan ng Department of Labor and Employment ang mga employers sa pagbibigay ng 13th month pay.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mayroong hanggang December 24 lamang ang mga employer para ibigay ang 13th pay ng kanilang empleyado.

Paliwanag ni Bello na itinatakda sa batas na dapat huwag ng paabutin sa Disyembre 25 ang pagbibigay nito.

Sinabi ni Bello na hindi mahalaga kung kumikita o hindi ang isang negosyante basta ang importante ay sumunod sila sa batas.

Nakasaad sa batas na ibibigay ng cash o katumbas ng isang buwang sahod ng isang empleyado ang matatanggap na 13th month pay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *