DOLE, muling nagbabala sa ipapatupad na deployment ban sa Saudi Arabia

DOLE, muling nagbabala sa ipapatupad na deployment ban sa Saudi Arabia

MULI na namang nagbanta si Labor Secretary Silvestre Bello III ng deployment ban sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) patungong Kingdom of Saudi Arabia kung hindi reresolbahin ng Saudi government ang nasa mahigit 10-k Pilipino na hindi pa na susuwelduhan.

Kampante si Secretary Bello na papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon nito na magpatupad ng deployment ban sa Kingdom of Saudi Arabia kung hindi mareresolba ang unclaimed salaries ng mga OFW doon.

Nakatakdang umalis si Secretary Bello sa mga susunod na linggo para dumalo ng ministerial meeting kasama ng mga counterpart ng kalihim mula sa ibat-ibang dako ng bansa sa Asya at Middle East.

Ayon kay Bello, mahalaga ang naturang pagtitipon dahil pag-uusapan aniya dito ang mga probisyon ng Overseas Employment Contract ng mga Overseas Filipino Workers

Pagkakataon na ito aniya, hindi lamang para sa mahalagang pagtitipon na gagawin kundi ang makausap na rin ang kanyang counterpart sa Ministry of Labor ng Kingdom of Saudi Arabia.

Giit ni Bello, humingi sya ng pahintulot kay Pangulong Duterte na makipag-usap sa naturang opisyal upang idulog ang problema ng mahigit sampung libong mga OFW na hindi pa nasusuwelduhan apat na taon nang nakakaraaan

‘’Yung pagdating na pagdating ko sa department of labor yun ang nakita ko…ay hangang ngayon ay hindi nababayaran,’’ayon kay Secretary Bello.

Dagdag din ni Bello una nang nangako ang Saudi government na babayaran ang mga OFWs na hindi pa nakakasuweldo mula sa ibat-ibang kumpanya na pinagtatrabahuan ng mga Pilipino.

Dapat din aniyang tuparin ang matagal nang pangako ng Saudi government na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba.

Dahil dito muling nagbanta si Bello na hindi sya magdadalawang-isip na irekomenda sa Pangulo ang deployment ban sa KSA kung hindi agad reresolbahin ng KSA government ang unclaimed salaries ng mga OFW doon.

‘’Eh mahigit apat na taon na hangang ngayon hindi pa nase-settle…kung hindi nila ma settle yung claims ng ating mga kababayan,’’dagdag nito.

Matatandaan nitong nakalipas na linggo ay una narin nagbanta ang kalihim ng deployment ban sa mga filipino workers patungong KSA.

Kasunod sa naiulat na pagmamaltrato sa 16 OFWs na naninilbihan sa isang retiradong heneral ng militar sa Saudi Arabia.

Na-release na rin ang lahat ng mga OFWs na naninilbihan sa naturang heneral at binawi ng kalihim ang naturang pagbabanta.

Aniya, tila narinig ng Saudi government ang kanyang banta kaya inilagay sa black list ang heneral, ibig sabihin hindi na sya maaring makakuha ng mga OFW na magtatrabaho sa kanya.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *