DOLE main office, pansamantalang sarado Enero 14 hanggang Enero 17

DOLE main office, pansamantalang sarado Enero 14 hanggang Enero 17

PANSAMANTALANG sarado ang central office ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros at regional offices nito sa National Capital Region (NCR) simula ngayong araw ng Biyernes hanggang Lunes, Enero 17.

Ito’y dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naturang ahensiya.

Ayon kay Secretary Silvestre Bello III, umabot sa 128 ang COVID-19 infection ng kanilang ahensiya o 21 porsiyento ng 600 tauhan ng DOLE central office.

Sa memorandum na nilagdaan ni Bello, inatasan ang lahat ng head offices, services, at bureaus kabilang ang NCR regional office para sa pansamantalang pagsara at bumalik sa serbisyo sa Enero 18.

Kahapon lamang, Enero 13, umabot sa 34,021 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 dahilan sa kabuuang kumpirmadong kaso ng 3,092,409 sa bansa.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng kaso ng impeksyon sa loob ng 24 oras simula nang manalasa ang pandemya sa Pilipinas.

Follow SMNI News on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *