DOLE, hinimok na imbestigahan ang pang-aabuso sa mga food delivery riders

DOLE, hinimok na imbestigahan ang pang-aabuso sa mga food delivery riders

HINIMOK ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Labor and Employment (DOLE) na imbestigahan ang mga naipauulat na insidente ng pang-aabusong nararanasan ng mga food delivery riders ng delivery app na Food Panda.

Ani Hontiveros, nanawagan ito para sa agarang aksyon ng DOLE hinggil sa hinaing ng mga delivery riders na nakararanas ng panggigipit sa mobile app operators.

Ani Hontiveros, bawat araw na naaabuso ang mga rider ay katumbas ng isang araw na walang maiuuwing kita ang mga ito sa kanilang pamilya.

Nanawagan ang senador matapos na suspendehin ng Food Panda ng sampung taon ang ilan sa mga driver nito na nagprotesta laban sa wage policy ng mobile app na sinasabing binawasan ang kita ng mga rider sa hanggang P20 kada delivery.

SMNI  NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *