DOLE cash assistance, naipamahagi sa halos 1-M manggagawang apektado ng COVID-19

DOLE cash assistance, naipamahagi sa halos 1-M manggagawang apektado ng COVID-19

UMABOT na sa halos isang milyong mangagawa na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang nabigyan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng cash assistance mula sa Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.

Ang naturang cash assistance program na inilaan ng Bayanihan 2 Act sa DOLE ay umabot na sa P4.5 bilyon.

Sa kabuuan nasa P6 bilyong halaga ang allocation fund ng DOLE para sa TUPAD program mula sa Bayanihan 2 Act.

Sa huling tala ayon sa DOLE umabot na sa 939,209 informal sector workers na tinamaan ng COVID -9 at sunod-sunod na hagupit ng bagyo ang nabibiyaan ng tulong pinansyal.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapatupad ng naturang programa ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilisan nga ang pamamahagi ng nasabing ayuda.

Kaugnay nito sa ulat naman Bureau of Workers with Special Concern (BWSC) sa bilang ng mga naturang beneficiary 797,222 ang pay out na at 141,989 ang kasalukuyang pinoproseso.

Ang BWSC ang namamahala ng TUPAD program.

Ang National Capital Region ay may pinakamalaking TUPAD allocation mula sa Bayanihan 2 kung saan aabot sa P923.9 million na sinundan naman ng Region 4A sa halagang P593.2 million at Region 3 with P587.1 million.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *