kurapsyon
National

DOJ, kumpiyansang masusugpo ni BUCOR Director Gen. Bantag ang kurapsyon sa loob ng New Bilibid Prison

IPINAUUBAYA na ni Justice Secretary Menardo Guevarra kay Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag ang pagsugpo sa patuloy na suhulan sa New Bilibid Prisons.

Ito ang reaksyon ni Guevarra matapos kinumpirma ni Bantag na nagpapatuloy pa rin ang talamak na suhulan sa bilibid.

Sinabi pa ng kalihim na tiyak aniyang gagawin ng mga maimpluwensyang bilanggo na may pera, ang lahat ng paraan para maipagpatuloy ang marangyang pamumuhay nila sa loob ng pambansang piitan.

Naniniwala naman si Guevarra na kayang harapin ni Bantag ang malaking hamon sa pagtupad nito sa kanyang misyon sa bilibid.

Kahapon ay winasak ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ang mga kubol sa NBP kung saan anya nagaganap ang mga transaksyon sa iligal na droga.

Binigyang-diin naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Guillermo Eleazar sa pahayag sa SMNI News, na magiging maayos ang pamamalakad sa loob ng naturang bilangguan kung walang tumatanggap ng suhol.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *