hospital pass for sale
National

DOJ, inatasan ang NBI na imbestigahan ang hospital pass for sale sa BuCor

MAGSASAGAWA na rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation kaugnay sa hospital pass for sale sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sa bisa ng Department Order 479 ng DOJ, inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa na ng imbestigasyon at case build-up sa umano’y “hospital pass for sale” kung saan sangkot ang ilang tiwaling opisyal ng BuCor.

Iginiit ni Guevarra na sakaling makitaan ng sapat na ebidensya ay dapat agad sampahan ng kaso ang mga taong nasa likod ng naturang hospital pass for sale.

Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa GCTA Law, nabulgar ang paglabas-pasok ng mga inmates sa Bilibid sa pamamagitan ng hospital referral pass mula sa mga opisyal ng BuCor.

Dahil dito, maaari nang magtungo sa ospital ng New Bilibid Prison ang mga preso para makaiwas sa siksikan ng mga inmates sa loob ng kulungan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *