Patricia Fox
National

DOJ, iginiit ang agarang pagdeport kay Sis. Patricia Fox

IGINIIT ng Department of Justice na agad ipa-deport ang Australianang madre na si Sister Patricia Fox.

Matapos ibasura ng Bureau of Immigration (BI) ang motion for reconsideration ni Fox kaugnay sa deportation case nito.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may labing limang araw na palugit ang missionary nun para i-apela ang desisyon ng BI.

Ayon kay Guevarra, kapag nabigo itong magsumite ng apela ay agad nilang ipatutupad ang pagpapalayas sa bansa kay Fox.

Nag-ugat ang pagpapadeport sa madre dahil sa mga pagdalo ni Fox sa mga political rally sa bansa.

Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ng bansa ang pagdalo ng mga dayuhan sa naturang mga kaganapan.

Sa Setyembre 5 ay mapapaso na ang missionary visa ni Fox.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *