National

DOJ bumuo ng 6-man panel na mag-re-review sa kontrata ng BuCor at TADECO


Bumuo ng six-man panel ang Department of Justice na magre-review sa kontrata sa pagitan ng Bureau of Corrections at ng Tagum Agricultural Development Company, Inc. (TADECO) na pag-aari ni Davao Del Norte Representative Antonio Floirendo, Jr.
Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, hiniling umano ni House Speaker Pantaleon Alvarez na bumuo ng panel para mag-imbestiga sa naturang isyu.
Kabilang sa panel sina Chief State Counsel Ricardo Paras III, Director Maria Charina Buena Dy-Po, State Counsel Precious Pojas, State Counsel Melvin Suarez, State Counsel Noel Adriatico at Atty. Catherine Angela Maralit.
Bukod dito, inireklamo na rin ni Alvarez si Floirendo ng graft sa Office of the Ombudsman dahil sa pagkakaugnay nito sa TADECO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *