elderly convicts
National

DOJ, bibigyang pansin ang mga elderly convicts sa NBP

LILIKHA umano ang Department of Justice ng isang task force na tututok sa mga kaso ng mga elderly convicts sa New Bilibid Prison lalong-lalo na ang mga detainee na qualified ng lumaya.

Ayon kay Senator Bong Go, kinausap na umano nito si Justice Secretary Menardo Guevarra patungkol sa isyu at napag-usapan nilang gumawa sa lalong madaling panahon ng isang task force na magiging in-charge sa pagsisiyasat ng mga records ng lahat ng detainees.

Nakita umano ni Go na iilan sa mga elderly detainees, ay nananatili pa sa Bilibid kahit qualified nang lumaya.

Samantala, kinausap rin ni Go si Health Secretary Francisco Duque na bigyang pansin ang kondisyon ng hospital sa loob ng Bilibid at siguraduhing nai-aadmit ang mga may sakit.

Mas mainam rin umanong magbigay ng karagdagang medisina at equipment sa hospital ang DOH.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *