Deputy Spokesperson
National

DOJ Asec. Neal Vincent Bainto, itinalaga bilang Deputy Spokesperson

NAGTALAGA na ng bagong Deputy Spokesperson sa Department of Justice si Justice Secretary Menardo Gueverra.

Ito ay sa katauhan ni DOJ Assistant Secretary Neal Vincent Bainto.

Batay sa Department Order No. 491 na may petsang September 16, 2019, tutulong si Bainto kay DOJ Undersecretary at Spokesperson Markk Perete sa pagbibigay impormasyon sa publiko sa mga usapin sa ahensya.

Si Bainto rin ang otomatikong magiging tagapagsalita ng DOJ kapag wala si Perete.

Nakasaad din sa kautusan na ang pagiging Deputy spokesperson ni Bainto ay karagdagan sa mga kasakuluyang responsibilidad nito bilang Asec.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *