National

DOH, pina-alalahanan ang publiko sa posibleng disease outbreaks sa bansa

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa posibleng disease outbreaks sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito’y dahil sa pangamba ng taumbayan sa mga bakuna na resulta ng kontrobersya sa Dengvaxia.

Sinabi ng kalihim na bumaba ang vaccination coverage rates kasunod ng anunsyo ng Sanofi Pasteur noong nakaraang taon.

Partikular na tinukoy ni Duque ang Davao City at Zamboanga City na idineklara ang measles outbreaks maging sa gitnang Luzon.

Dagdag ng kalihim, kapag nagpatuloy pa ang takot ng publiko sa mga bakuna ay magiging numero uno sa disease outbreak ang tigdas at susundan ito ng rabies at polio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *