DOH, nakapagtala ng mahigit 3K na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

DOH, nakapagtala ng mahigit 3K na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

PUMALO na sa 224, 264 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas hanggang ngayong Martes, Setyembre 1.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,483 na panibagong kaso.

Ayon sa DOH, pinakamaraming naitalang bagong kaso ay sa National Capital Region na may 1,827.

Sinundan ito ng Laguna na may 223, Cavite na may 184, Rizal na may 161 at Batangas na may 126.

Sa nasabing bilang ng confirmed cases, nasa 62, 655 ang naitalang active cases.

Umabot naman sa 158, 012 ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 464.

Nasa 3,597 naman ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus matapos makapagtala ang DOH ng 39 new deaths.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *