DOH, nakapagtala ng mahigit 1,000 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

DOH, nakapagtala ng mahigit 1,000 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,635 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa makalipas ng 24 oras.

Dahil dito, umabot na sa 291,789 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus.

Sa case bulletin ng DOH, ang Metro Manila pa rin ang may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 na may 583.

Sinundan ito ng Cavite na may 102; Iloilo na may 97, Rizal na may 67, at Cebu na may 57 new cases.

Sa nasabing bilang ng confirmed cases, nasa 56,097 ang naitalang active cases at kasalukuyang nagpapagamot o naka-quarantine.

Umabot naman sa 230,643 ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 450.

Habang pumalo na sa 5,049 ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus matapos makapagtala ang DOH ng 38 new deaths.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng anim na bagong kaso ng COVID-19 mula sa mga Pilipino na nasa ibang bansa.

Dahil dito, umabot na sa 10,417 ang kabuuang overseas Filipino na nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, nasa 3,009 ang patuloy na nagpapagamot.

Nasa 6,629 naman ang bilang ng mga gumaling matapos makapagtala ng 10 new recoveries mula sa Asia and The Pacific at Europe.

Habang nasa 779 na ang mga nasawing Pilipino sa ibang bansa dahil sa sakit matapos itong madagdagan ng isa.

Pinakamarami pa rin na tinamaan ng COVID-19 ang mga Pilipino na nasa Middle East na nakapatala ng 7,068 na kaso.

Sinundan ito ng Asia Pacific Region na may 1,366 cases, Europe na may 1,176 habang 807 sa Amerika.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *