sore eyes
Health National

DOH, nagbabala sa publiko na mag-ingat sa sore eyes

PINAALALAHANAN ng Department of Health o DOH ang publiko kaugnay sa pagkalat ng sore eyes tuwing mainit ang panahon.

Payo ni Health Undersecretary Eric Domingo sa mga may sore eyes na huwag nang pumasok sa trabaho at manatili na lamang sa bahay upang hindi na maka­hawa pa.

Sinabi ni Domingo na kusang gumagaling ang sore eyes sa loob ng apat hanggang pitong araw.

Aniya, hindi naiiwasang naipapasa ang virus dahil sa pagkikipagkamay sa mga taong may sore eyes na ihahawak naman sa mata.

Ayon kay Domingo, walang katotohanan na nakukuha ito sa tingin, ang kailangan lang ay ang tamang paghuhugas ng kamay.

Mahalaga din aniya ang kalinisan sa kapaligiran lalo na’t karamihan sa mga Pilipino ay gumagamit ng computer at ballpen na nagkakaroon ng virus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *