COVID 19
Health

DOH, muling idiniin na hindi airborne ang COVID 19

BINIGYANG diin ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang ebidensya na airborne ang novel coronavirus disease o COVID 19.

Kasunod ito ng lumabas na artikulo sa China na nagsasabing airborne na ang nakamamatay na 2019 NCoV.

Sinabi ni Duque na nabuo ang ideya na maaaring airborne na ang Wuhan coronavirus dahil sa ma­ling translation nito mula sa medical term ng mga eksperto.

Iginiit naman ng World Health Organization (WHO) na nananatili sila sa resulta ng pag-aaral na droplets lamang ang paraan para mailipat ang virus mula sa maysakit patungo sa bagong biktima.

Muling nanawagan ang DOH at WHO sa publiko na dalasan ang paghuhugas ng kamay, takluban ng kamay ang bibig at ilong tuwing babahin o sinisipon, at iwasang lumapit sa mga taong may sakit.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *