DOH, mas paiigtingin ang mga ipinatutupad na hakbang kontra COVID-19

DOH, mas paiigtingin ang mga ipinatutupad na hakbang kontra COVID-19

MAS paiigtingin pa ng Department of Health (DOH) ang kampanya nito kontra COVID-19 kasunod ng tumataas ng bilang ng kaso nito sa bansa.

 

Ayon kay DOH Underseretary Maria Roasario Vergerie, makikipag-ugnayan sila sa mga local government unit para sa gagawing selective lockdown.

 

Kaugnay nito, tinatrabaho ng DOH ang mga gagawing hakbang upang hindi umabot sa 95,000 ang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng Agosto.

 

Sa ngayon, pumalo na sa 44,254 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kungsaan 11,942 dito ang gumaling na habang 1,297 naman ang nasawi.

 

Samantala, nasa kabuuang 11,018 mild at asymptomatic COVID-19 patients ang naka-home quarantine sa buong bansa.

 

Sa datos ng DOH, pinakamarami sa mga naka-home quarantine ay nasa Cordillera Administrative Region (CAR) na may 3,571.

 

Sinundan ito ng Central Visayas na may 2,189 at Ilocos na may 2,184.

 

Nasa 491 naman ang naka-home quarantine sa National Capital Region o NCR.

 

Mayroon din naka-home quarantine sa Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKARGEN, CARAGA, BARRM, Bicol at Central Luzon.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *