DOH, maghahain ng EUA sa FDA para sa Sinopharm COVID-19 vaccine

DOH, maghahain ng EUA sa FDA para sa Sinopharm COVID-19 vaccine

MAGHAHAIN ang Department of Health (DOH) ng aplikasyon para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng Sinopharm COVID-19 vaccine ngayong araw.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang paghahain nila ng EUA sa Food and Drug Administration (FDA) ay kasunod ng pagkakaroon ng emergency use listing ng Sinopharm mula sa World Health Organization (WHO).

Una nang sinabi ni Duque na ipinag-utos niya sa DOH na humingi ng EUA para sa Chinese vaccine upang hindi na kailangan ibalik ng bansa ang donasyong bakuna mula sa Beijing.

Noong nakaraang linggo nang mabakunahan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte gamit ang Sinopharm vaccine ngunit kalaunan ay ipinag-utos nito na ibalik sa China ang mga bakuna dahil sa pamumuna ng ilang kritiko ng administrasyon.

(BASAHIN: Pangulong Duterte, ipinag-utos ang pag-pullout sa mga bakunang Sinopharm)

SMNI NEWS