DOH, kinumpirma na nasawi ang isang pasyente ng Delta variant sa Antique

DOH, kinumpirma na nasawi ang isang pasyente ng Delta variant sa Antique

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na nasawi ang isang pasyente ng Delta variant sa Antique at inihayag na wala pang lokal na kaso ng Delta sa Taguig.

Ayon pa kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasawi ang isang 78-year-old na unvaccinated female sa Antique na walang travel history kabilang ito sa labing isang local cases ng Delta variant.

Ani Vergeire, ang dalawang nasawi ay mula sa Pandacan, Manila at ang isa naman ay mula sa Antique.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng DOH kung saan nakuha ng mga pasyenteng ito ang Delta variant.

Naniniwala pa rin ang DOH na ito ay mula sa ibansa bansa at ayon sa mga eksperto imposible na nag-mutate ang Delta variant ito dito sa bansa.

Nilinaw na walang local case ng Delta variant sa Taguig City

Samantala, walang local case ng Delta variant sa Taguig City.

Ito ang nilinaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, isang returning overseas Filipino ang kaso sa Taguig at hindi local case.

Una nang inanunsyo ng local government na nakapag-detect ng Delta variant case sa lungsod.

Sa kaugnay na balita, gumaling na ang limang pasyente ng Delta COVID-19 variant sa Cagayan de Oro City ayon kay Mayor Oscar Moreno.

Magugunitang inihayag ng DOH na mayroong natukoy na 11 local cases ng Delta variant kung saan anim ang naninirahan sa Northern Mindanao, 2 mula sa Metro Manila, 2 naman sa Western Visayas, at isa mula sa Central Luzon.

Dagdag pa ni Mayor Moreno, may isa pang pasyente ng Delta na nananatili sa temporary treatment medical facility ngunit lahat ng mga pasyente ay gumaling na.

Hinala ni Mayor Moreno, ang Delta variant ang posibleng dahilan ng COVID-19 surge sa CDO noong buwan ng Mayo hanggang Hunyo.

Sa ngayon, umaabot na sa 5,000 indibidwal ang nababakunahan ng CDO kada araw at tinatayang 1,000 ang mababakunahan sa syudad ngayong araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *