Sabayang Patak Konationwide vaccinationntra-Polio
Health

DOH, hinimok na maglunsad ng nationwide vaccination at information campaign laban sa pagkalat ng polio virus

NANANAWAGAN ang ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Department of Health (DOH) na magpatupad ng nationwide vaccination at information campaign laban sa pagkalat ng nakakamatay na polio virus sa bansa.

Kamakailan lamang nang maghain sina Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento at Lanao del Sur Rep. Yasser Alonto Balindong ng dalawang House Resolution na humihimok sa DOH na gumawa ng paraan upang maagapan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.

Sa kaniyang panig, inihain ni Sarmiento ang House Resolution No. 376 na tumutukoy sa urgency ng polio outbreak na dapat masolusyunan ng vaccination program ng pamahalaan.

Ani Sarmiento, taong 1993 pa ng maitala ang huling kaso ng polio virus at tuluyan itong nawala sa panahon na nagkaroon ng massive vaccination program ang pamahalaan noong 2000.

Samantala, massive information campaign naman ang panawagan ng House Resolution No.364 ni Balindong sa DOH upang makumbinsi ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Ani Balindong, kinakailangang makumbinsi ang mga magulang na ligtas ang vaccination program ng pamahalaan at maibalik ang tiwala ng mga ito sa gamot na bigay ng gobyerno.

Umaasa naman ang dalawang mambabatas na tutugunan ng Health Department ang kanilang panawagan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *