Hinimok
National

DOH, hinimok ang mga magulang na paalalahanan ang kanilang mga anak sa epekto ng pagpapaputok

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na paalalahanan ang kanilang mga anak sa masamang epekto ng pagpapaputok.

Ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, dapat tumulong ang mga magulang sa pagpapaalala na maaaring magresulta sa pang-habambuhay na kapansanan at sakuna ang paggamit ng firecrackers.

Sinabi ni domingo na karamihan sa mga biktima ng paputok ay mga batang edad 13 pababa.

Dagdag nito, may 3 ng naiulat na kaso ng firecrackers-related injuries na kailangan nang putulin ang daliri.

Nakapagtala rin ang DOH ng 6 na kaso ng eye injuries dahil din sa paggamit ng paputok.

Aniya, kapag nagkapeklat ang mata o nasabugan ang mata dahil sa paputok ay maaari itong ikabulag o kailangang tanggalin ng kumpleto ang mata.

Muli namang pinayuhan ni Domingo ang publiko na gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay sa pagsalubong sa new year gaya ng pagkalampag ng kaldero, malakas na pagpapatugtog ng radyo, mag-videoke o mag-torotot.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *