NAKAAMBA
National

DOF binawi ang rekomendasyong suspendihin ang dagdag na buwis sa langis

BINAWI ng Department of Finance (DOF) ang nauna nitong rekomendasyong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kungsaan unang inirekomenda na suspendihin ang dagdag na buwis sa langis o excise tax sa susunod na taon.

Dahil dito, asahan na ang dagdag na P2 buwis sa kada litro ng produktong petrolyo simula Enero ng susunod na taon.

Hindi nakikita ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) na wala nang dahilan para ipatupad ang suspensyon ng pagbubuwis.

Dahil patuloy namang bumababa ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa pahayag ni Finance Sec. Carlos Dominguez.

Pinaliwanag ni Dominguez ang pangongolekta ng pamahalaan ng dagdag na buwis.

Ito aniya ay para makalikom ng pondo na gagamitin sa mga proyekto ng gobiyerno na pakikinabangan ng mga Pilipino.

Ikinonsidera rin umano ng DBCC ang matinding epekto sa kita at gastusin ng gobyerno para sa fiscal year 2019.

Kung itutuloy ang pagsuspinde sa dagdag na buwis sa produktong petrolyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *