DND Secretary Delfin Lorenzana, iginiit ang soberanya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

DND Secretary Delfin Lorenzana, iginiit ang soberanya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

IGINIIT ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana ang soberanya ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang pahayag, sinabi ni Lorenzana na ang Ayungin Shoal ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) kung saan may sovereign rights ang bansa.

Ang EEZ aniya ay binigay sa Pilipinas ng 1982 UNCLOS kung saan pinagtibay ito ng China.

Ayon kay Lorenzana, meron ang Pilipinas ng dalawang dokumento na nagpapatunay na meron ang bansa ng sovereign rights sa EEZ habang ang China ay wala at ang kanilang teritorial claim ay walang basehan.

Dahil dito, iginiit ni Lorenzana na maaring gawin ng Pilipinas ang lahat sa Ayungin Shoal at mismong ang China ang nagtetrespassing.

Ang pahayag ni Lorenzana ay tugon sa sinabi ni Chinese foreign ministry spokesman Zhao Lijian na ang Shoal ay bahagi ng Nansha Gundao ng China.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *