DND Sec. Delfin Lorenzana, nagpositibo sa COVID-19

DND Sec. Delfin Lorenzana, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.

Kasalukuyang sumailalim aniya siya sa isolation matapos matapos lumabas ang resulta ng kanyang RT-PCR test kahapon Abril 6 kung saan nagpositibo ito.

“Those who have been exposed to me have been informed. They have been advised to isolate and get tested for COVID-19,” pahayag ni Lorenzana.

Aniya, patuloy ang operasyon ng DND sa skeleton force upang manatili ang serbisyo ng ahensiya kasabay ng pagsunod sa mahigpit na health protocols.

“I would like to remind everyone that the threat of the virus is a real as ever, more so now due to the new variants. Let us all cooperate and abide by the prescribed health protocols to help in curbing the spread of COVID-19,” dagdag ng DND chief.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *