DITO, palalawigin pa ang network service coverage sa 53 pang mga lugar

DITO, palalawigin pa ang network service coverage sa 53 pang mga lugar

PALALAWIGIN pa ng bagong major telecommunication player na DITO Telecommunity Corp. ang kanilang network service coverage sa 53 pang mga lugar sa bansa ngayong buwan ng Setyembre.

Sa virtual press conference, inanunsyo ni DITO chief technology officer Rodolfo Santiago na sa ngayon ay pinalawak pa ang kanilang network coverage sa 233 na mga lungsod at munisipalidad.

Ito ay mula sa 15 pilot areas sa Visayas at Mindanao noong commercial launch nito ng Marso.

Dahil sa 53 pang lugar, sinabi ni Santiago na aabot na sa 286 cities at municipalities na magiging available ang DITO services.

 

 

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *