Disqualification case vs BBM, posibleng ilang araw pa bago madispose—Marcoleta

Disqualification case vs BBM, posibleng ilang araw pa bago madispose—Marcoleta

POSIBLENG umabot pa ng ilang araw ang disqualification case laban sa dating Senador at aspiring president na si Bongbong Marcos (BBM) bago ito madispose ayon kay Deputy Speaker Rodante Marcoleta.

Ayon kay Marcoleta, itoy sakaling magtagumpay na maibasura ng Commission on Election (Comelec) ang inihaing disqualification case laban kay BBM.

“Maaaring dumaan ang ilang mga araw pa, bago talaga ito mae-dispose ng Comelec… at kahit ma-dispose pa ng Comelec, kahit kaninong panig man… ang yung naagrabiyado, sa panig pagdinig na ‘yan, ang kanilang gagawin ay maaaring pumunta pa rin sa Korte Suprema sapagkat ito ang pinaka-arbiter ng lahat ng kasong edi-dispose ng Comelec,” pahayag ni Marcoleta.

Bukas, Nobyembre 26 na sisimulan ng Comelec ang preliminary conference sa petisyong nanawagang ipakansela ang certificate of candidacy ni Marcos.

Nakikita naman ni Marcoleta na maaaring dumaan pa ang ilang araw bago ito madispose ng Comelec.

Sa ibang banda, nakikita ni Marcoleta na mas maganda kung mapagtibay nina Marcos at Mayor Inday Sara Duterte ang kanilang tandem.

“Makakabuti para sa kanila kung ang kanilang mga pwersa ay kanilang mapagtitibay, wala naman akong makita na kahinaan no, na action na ginawa na yun kung hindi lahat ng kanilang hakbangin ay talagang pabor po sa kanilang minimithi,” ani Marcoleta.

Nilinaw naman ng congressman na wala syang problema sa pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak bilang kanilang vice presidential bet.

Samantala, ibinahagi ni Marcoleta na wala syang kontrol kung kanino ibebenta ng kanyang team ang kanilang campaign ads.

Kasunod ito sa umanoy pambabatikos ng iilan matapos nakita ang campaign ads ni Marcoleta sa ABS-CBN.

“Ako bilang isa, hindi ko kontrolado kung kanino nila ipararaan yung aking political ad, na hindi ko nga alam na sorpresa na nga lang ako at napangiti na lang… yun namang nagba-bash sakin pinatatawad ko na yun, yung mga nagba-bash tiningnan ko rin naman kung sinu-sino sila… mga labing dalawa lang naman yun eh,” ayon kay Marcoleta.

Sa kabila nito, naniniwala si Marcoleta na posibleng ang hakbang na pagtanggap ng network sa kanyang campaign ads ay hakbang na nila tungo sa reporma.

Muling iginiit ng kongresista na nasara ito dahil napakaraming ebidensya ng paglabag sa batas ang ABS-CBN.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *