Regional

Dinukot na sundalo pinugutan na ng ulo ng ASG sa Sulu


Narekober na ng mga awtoridad ang bangkay ng sundalong dinukot at pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Taglibi, Patikul, Sulu.
Ayon kay Joint Task Force-Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana, dinala nila ang pugot na bangkay ng biktimang si S/Sgt. Anni Siraji sa morgue sa Busbus Hospital.
Nakatakda namang i-turn-over ng militar ang labi ng biktima sa pamilya nito.
Batay sa kanilang assessment, tatlong araw nang patay ang sundalo dahil nasa state of decomposition na ito.
Natagpuan ang ulo nito, 50 metro ang layo mula sa katawan nito.
Mariing kinondena ni Sobejana ang pagpatay at pagpugot sa ulo ng sundalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *