Father’s Day
Showbiz

Dingdong Dantes, sinorpresa ni Marian Rivera sa Father’s Day

Pinaghandaan ni Primetime Queen Marian Rivera ang selebrasyon ng Father’s Day nitong linggo.

Kasama ang kanilang anak na si Leticia ay sinorpresa nila ang kaniyang asawang si Dingdong Dantes ng sa isang romantic dinner by the beach.

Makikita pa sa ilang Instagram post ni Dingdong ang litrato ng kanilang pamilya na masayang kumakain at ini-enjoy ang magandang view ng El Nido, Palawan.

Mababasa pa sa isang post nito na may ibang ukit ang isla ng Coron sa relasyon nila ni Marian at ipinangakong dadalhin ang kanilang anak upang masaksihan ang mahikang dala ng isla.

Makikita ang tunay at totoong kislap sa mata ng dalawang artista sa mga litratong nakapost sa kanilang Instagram accounts.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *