BusinessNational

Dine-in capacity ng mga restaurants, daragdagan na

 

DARAGDAGAN na ang dine-in capacity ng mga restaurants simula sa Hulyo 21.

 

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na mula sa 30 percent ay itataas na sa 50 percent ang dine in capacity sa mga restaurant simula sa susunod na Martes.

 

Ang mga nasa modified GCQ areas naman aniya ay itataas na sa 75 percent capacity ang papayagan.

 

Ayon kay Lopez, tugon ito sa mga petisyon ng mga business owner na maka-accommodate ng mas maraming diners.

 

Tiniyak naman ng DTI chief na maganda ang compliance rate ng mga kompanya at business establishments sa adjust protocols.

 

Umapela rin si Lopez sa mga local government na ikonsidera na palawigin hanggang alas 12 ng hating gabi ang kanilang curfew hours para makapagbukas ang mga restaurant hanggang alas 10 o 11 ng gabi para maka-accommodate ng maraming diners at makarekober sa kanilang kita.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close