DILG Secretary Eduardo Año, naka-leave ng isang buwan

DILG Secretary Eduardo Año, naka-leave ng isang buwan

NAKA-leave na ng isang buwan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año upang lubos na makarekober sa COVID-19.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, hindi lumiban kahit isang araw sa trabaho ang kalihim at nagtatrabaho pa rin kahit linggo o holidays simula nang maospital ito noong Agosto 2020 dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Malaya na inabisuhan ang DILG chief ng kanyang mga doktor na magdahan-dahan sa trabaho at umiwas muna sa stressful activities.

Pinayuhan din aniya ang kalihim na lubos na magpahinga at sumailalim sa ilan pang tests.

Itinalaga naman ni Año si Undersecretary Bernardo Florece bilang officer-in-charge ng DILG hanggang sa katapusan ng buwan.

Una nagpositibo sa COVID-19 si Año noong Marso 3, 2020 at muling tinamaan ng sakit noong Agosto 16.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *