Año
National

DILG Sec. Año, pabor sa muling pagpapalawig ng Martial Law

MAGING si DILG Sec. Eduardo Año ay pabor sa muling pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Año, sinang-ayunan ng ilang mga taga-Mindanao ang pagpapalawig ng batas military.

Lalo’t wala namang naitalang pang-aabuso sa kasagsagan ng pagpapatupad nito sa rehiyon.

Sinabi ni Año na magpupulong sila sa katapusan ng Nobyembre sa Davao City.

Dadaluhan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at lahat ng Regional Peace and Order Councils (RPOCs).

Ang mga ito ay mula sa Luzon at Mindanao para pag-usapan ang Martial Law sa rehiyon.

Bago aniya mag-Disyembre 15 ay isusumite na sa pangulo ang rekomendasyon.

Ito ay kung palalawigin o hindi ang umiiral na batas militar sa rehiyon.

Sa Disyembre 31, nakatakdang magtapos ang pinalawig na batas militar sa Mindanao.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *