CDC-Ph: DILG, ‘misinformed’ sa flatten the fear event

CDC-Ph: DILG, ‘misinformed’ sa flatten the fear event

MISTULANG ‘misinformed’ si Interior Secretary Eduardo Año kaugnay sa naganap na ‘flatten the fear’ event ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines o CDC-Ph.

Ito ay matapos atasan ni Año ang PNP-CIDG na imbestigahan ang grupo sa mga posibleng quarantine violators dahil sa event na ginawa sa Pasig city.

Sa panayam ng DZAR1026 Sonshine Radio kay CDC-PH Spokesperson Mari Kaimo, natural aniya na ipakita nila ang kanilang mukha na walang face mask dahil ‘flatten the fear’ laban sa COVID-19 ang kanilang isinusulong.

“Flatten the fear po ang target namin so hindi naman po maniniwala siguro ang taumbayan sa amin kung nakatago po ang aming mga mukha behind face mask and face shield,” giit ni Kaimo.

“Of course, we have to show the faces of our doctors because hindi po namin maitatago kung sino sila. They are out there to show, to explain kung bakit dapat pakinggan ang aming ipini-prisenta,” pagdidiin ni Kaimo.

Nilinaw din nito na kahit wala silang suot na face mask at face shield sa event, ipinatupad naman nila ang social distancing sa venue dahil 20% lamang ng lugar ang kanilang ginamit.

Ayon pa kay Kaimo, nais lamang nilang ipunto sa mga Pilipino na walang dapat ikatakot dahil may gamot para maiwasan ang pagkalat at paglala ng COVID-19 at maaari nang tanggalin ang ipinatutupad na lockdown ng pamahalan.

“Kasi what we wanna do is flatten the fear with facts. Hindi po tayo dapat nagpapadala sa emosyon. Hindi po tayo dapat nagpapadala sa takot. I-analyze po natin kung ano ang nangyayari sa Pilipinas. We have one of the very lowest death rates in the entire country. May lumabas na grupo sa Belgium na sinasabi nila, lockdowns tama na ito. It’s not working, we have proven it wrong, and we have learned so much since,” ani Kaimo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *