Lagunsilad Underpass sa Maynila
Metro

DILG, kinondena ang pag-vandalize sa Lagunsilad Underpass sa Maynila

KINONDENA ng Department of the Interior and Local Government ang pag-vandalize sa Lagunsilad Underpass sa Maynila.

Sa isang pahayag, iginiit ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na maraming paraan para ipahayag ng iba’t ibang grupo ang kanilang pananaw at social concerns at hindi aniya dito kasama ang pagdumi sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Malaya, ang karapatan ng mga organisasyon na ipahayag ang kanilang opinyon ay may hangganan at kaakibat na responsibilidad.

Sa halip na mag-bandalismo na wala naman aniyang natutulungan, hikayat ni Malaya ang mga organisasyon na makilahok na lamang sa mga clean-up drives, anti-smoking campaign, at iba pang kapaki-pakinabang na mga aktibidad.

Hinimok din ni Malaya ang mga local government units (LGUs) na mahigpit na ipatupad ang kanilang mga ordinansa laban sa vandalism at paggamit sa mga CCTV sa kanilang mga lugar para mahuli ang mga gumagawa nito.

Pinahuhuli din ni Usec. Malaya sa PNP ang mga mahuhuling lumabag sa batas at ordinansa ukol dito.

Matatandaang humingi na ng paumanhin ang cultural group Panday Sining sa pagsulat ng isang protest statement sa pader ng underpass na una nang ikinagalit ni Manila Mayor Isko Moreno.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *