komunistang grupo
National

DILG, hinimok ang mga LGU na huwag magpapasindak sa mga komunistang grupo

NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government sa mga lokal na pamahalaan na huwag magpapasindak sa banta ng mga komunistang grupo kasunod ng pagdedeklara sa mga rebelde na persona non grata.

Sa isang pahayag, hinimok ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga LGU na manatiling matatag sa pagsisikap ng pamahalaan na matigil ang armed conflict sa Pilipinas.

Ayon kay Año, huwag dapat magpasindak dahil ito ang nais at misyon ng mga rebelde na maghatid ng takot sa mga Pilipino.

Ang panawagan ng DILG secretary ay matapos ang inihayag ni Taytay, Palawan Mayor Romy Salvame at iba pang local officials na nakatatanggap sila ng death threats mula sa NPA matapos maipasa ang resolusyon noong May 2019 na nagdedeklara sa grupo bilang persona non grata sa bayan.

Pinuri naman ni Año sina Salvame na sa kabila aniya ng pananakot ng NPA ay nanatiling buo ang loob ng mga ito at ito rin aniya ang inaasahan at hinihiling nila sa ibang LGUs na nagdeklara ng persona non grata sa NPA.

Tiniyak din ni Año sa LGUs na laging handa ang AFP at PNP na magbigay ng karagdagang seguridad sa mga opisyal at paigting ang ipinatutupad na seguridad sa kani-kanilang kinasasakupan.

Sinabi ng DILG na batay sa datos mula sa militar, nasa 270 LGUs sa buong bansa ang nakadeklara sa NPA na persona non grata sa kani-kanilang lokalidad.

Sa nasabing bilang, siyam ay probinsya, 29 ay bayan, 241 ay mga barangay at isa ay lungsod.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *