politiko
National

DILG, hinamon na kasuhan ang mga kakandidatong politiko na nasa narco-list

HINAMON ng ilang mga senador ang DILG na sampahan ng kasong kriminal ang mga politiko na kakandidato sa 2019 midterm elections na kabilang sa narcolist.

Kasunod ito sa pahayag ni DILG Officer-in-Charge Eduardo Año na ipapa-diskwalipika nila sa Comelec ang mga kandidatong nasa narco-list ng PDEA.

Sinabi ni Sen. Francis Escudero na labag sa batas ang hakbang na ito ng DILG.

Dahil hindi dumaan sa tamang proseso ang pagkakasama ng mga politiko sa listahan.

Ayon naman kay Sen. Kiko Pangilinan, hindi dapat pagbawalan ang karapatan ng mga mamamayan na maghain ng kanilang kandidatura.

Iginiit ni Pangilinan na taumbayan pa rin ang magdedesisyon kung sino ang gusto nilang maupo bilang kanilang mga lider.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *