Bahay Pag-Asa
National

DILG, binigyan ng ultimatum ng Senado sa pagreporma sa lahat ng Bahay Pag-Asa

Binigyan ng ultimatum ang Department of Interior and Local Government o DILG na gamitin ang natitira pa nitong pondo para ireporma ang lahat ng Bahay Pag-Asa sa bansa.

Ito ay bilang tugon sa pagkondena ng ilang opisyal na bigong maipatupad ang pagbabagong buhay ng mga makukulong na batang in conflict with the law dahil sa kakulangan ng pasilidad sa loob ng mga bahay rehabilitations.

Sumang-ayon si DILG Secretary Eduardo Año na gamitin ang kanilang pondo ukol sa nasabing problema.

Kaugnay nito, agad titingnan ng senado sa darating na bicam sa 2019 budget na isingit ang kakailanganing pondo para sa rehabilitasyon ng mga Bahay Pag-Asa sa lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa.

Isinusulong ng mga opisyal ng bahay rehab centers sa bansa na pigilan ang pag-usad ng lowering of age of criminal liability dahil sa kakulangan ng pondo para sa implementasyon ng Juvenile Justice System sa bansa, kakulangan ng social workers at mga pasilidad nito.

Hiniling ng grupo na pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang siyentipikong pag-aaral sa pagkakaiba sa brain developments ng siyam na taong gulang kumpara sa labindalawang taong gulang para magdetermina ng tama at mali.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *