Digital ID system, isinusulong ng gobyerno ng Malaysia

Digital ID system, isinusulong ng gobyerno ng Malaysia

ISINUSULONG ng gobyerno ng Malaysia ang Digital ID system upang palakasin ang seguridad ng Mykad.

Inihayag ng Home Affairs Minister na si Datuk Seri Hamzah Zainudin na ipapakilala ng gobyerno ang bagong Digital Identity Card (Digital ID).

Alisunod ito sa kasalukuyang pangangailangan para sa digital, online services at transactions.

Ayon kay Datuk Hamzah, ito ay plinano simula nitong 2021 at inaasahang ganap na ipapatupad sa taong 2024.

Ang Digital ID system ay isang uri ng digital identification at aunthentication para sa isang indibidwal sa pamamagitan ng paggamit ng pinakabagong biometric technology.

Binigyang diin rin nito na ang Digital ID ay isa sa mga initiative ng Malaysian digital economy action plan (my digital).

Gayunpaman, nilinaw ng gobyerno na hindi papalitan ng Digital ID ang Mykad ngunit palalakasin nito ang seguridad ng Mykad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *