Dibabawon Tribal Chieftain, nagpasalamat sa tulong ni Pastor Apollo Quiboloy

Dibabawon Tribal Chieftain, nagpasalamat sa tulong ni Pastor Apollo Quiboloy

KILALA ring supporter si Pastor Apollo Quiboloy sa mga kapatid na katutubo kaya naman nagpaabot ang Tribal Chieftain ng Dibabawon Tribe ng kanilang pasasalamat sa suporta sa kanila ng butihing Pastor.

Sa kanyang pagbisita sa Davao de Oro ngayong araw, si Pastor Apollo C. Quiboloy ay mainit na tinanggap at pinasalamatan ng tribal leaders ng Dibabawon Indigenous People’s Group.

 

 

Personal na pinaabot ni Datu Pindoy, Dibabawon Tribal Chieftain ang isang munting regalo bilang pasasalamat sa butihing Pastor dahil sa kooperasyon at tulong na ipinagkakaloob nito sa peace and order at community development  projects ng IP communities sa Mindanao.

“Salamat gyud kaayo naabot ka ani na clan para makatabang pud ka sa kalambuan namo ug kami ra sir wala mi kalambuan [Maraming salamat at nakarating ka dito sa amin para makatulong para sa ikauunlad naming dahil kung kami-kami lang wala kaming mararating],” pahayag ni Datu Pindoy

Matatandaang si Pastor Apollo rin ang nagtatag ng IPIYAL Foundation na naglalayong tulungan ang ating mga kapatiran muna sa indigenous groups.

Si Datu Pindoy at mga kasamahan nitong tribal leaders ay malaki ang naging papel sa pagsuko ng maraming rebeldeng katutubo mula sa CPP-NPA-NDF.

Nangako naman si Pastor Apollo na patuloy siyang makikipagtulungan sa mga proyekto ng gobyerno at Indigenous Peoples Group para sa kapayapaan.

Magugunitang si Pastor Apollo din ay isa sa pinakabokal na personalidad sa bansa para kondenahin ang mga karumal-dumal na ginagawa ng teroristang komunistang grupong CPP-NPA-NDF.

Sa katunayan nagpaabot ng tulong si Pastor sa pamamagitan ng SMNI Foundation sa isinagawang gift giving sa ilang mga lugar sa bansa na kilalang pugaran ng NPA gaya ng Tapiz, Capiz at Masbate.

Nagbigay din ng tulong pinansiyal at ayuda sa mga pamilya na pinaslang ng NPA sa Masbate gaya ng pamilya ng nasawing FEU football player na si Keith Absalon at magka-kaanak na vendor sa Masbate pati na rin ang sundalong nasawi sa kamay ng NPA sa Tapiz, Capiz na si Corporal  Frederic Villasis.

BASAHIN: Guerilla base ng NPA sa Davao del Sur, biniyayaan ng ilaw mula sa pamahalaan

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *