DFA patuloy na bineberipika kung may Pinoy na nadamay sa pagsabog sa Abu Dhabi

DFA patuloy na bineberipika kung may Pinoy na nadamay sa pagsabog sa Abu Dhabi

WALA pang naiulat kung may Pilipino bang nadamay sa nangyaring pagsabog sa isang gusali sa Abu Dhabi, UAE kahapon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa ulat ng Philippine Embassy alas 10 ng umaga ng Lunes (oras ng Abu Dhabi) nang mangyari ang pagsabog  malapit sa  airport road sa Abu Dhabi.

Sinabi din ng Embahada ng Pilipinas sa  Abu Dhabi, base sa nakuhang impormasyon ay may mga Pilipino na nagtatrabaho sa naapektuhang gusali pero hanggang sa ngayon ay wala pang kinukumpirma ang management ng naturang kompanya hinggil sa insidente.

Gayunpaman, ayon sa DFA patuloy naman ang ginagawang pagmo-monitor ng Philippine Embassy.

Sinabi din ni  Ambassador Quintana may mga embassy personnel syang inilagay  na  kasalukuyang nakatutok sa lugar kung saan nangyari ang insidente meron din embassy personnel na nakikipag-ugnayan sa mga pulis doon.

Sa anunsiyo ng UAE authorities dalawa ang naiulat na nasawi sa pagsabog ,ang isa ay namatay malapit sa pinangyarihan ng insidente habang ang isa naman ay dahil sa natamaan ng debris pero hindi pa malinaw kung ano ang mga nationality ng mga ito o pagkakakilanlan.

Ayon sa DFA, sa ngayon binabantayan pa nila ang pinakabagong sitwasyon ngayon sa lugar at handa silang magpaabot ng tulong sa mga posibleng nadamay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *