National

DFA, kumpiyansang hindi mauuwi sa giyera ang territorial dispute sa pagitan ng China at Pilipinas

Naniniwala si DFA Secretary Alan Peter Cayetano na hindi mauuwi sa giyera ang ginawang pagbabanta ng China sa Pilipinas kaugnay sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Nanindigan ang Department of Foreign Affairs na hindi giyera ang solusyon para matuldukan  ang hidwaan sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea. 
Sa isang press conference, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na bagatmat  hindi sya otorisado para banggitin ang naging eksaktong usapan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Chinese President Xi Jinping noong isang linggo sa Beijing, ay tiniyak naman nito na naging tahasan ang naging usapan ngunit naroon pa rin ang respesto at tiwala sa isa’t isa ng bawat pinuno ng bansa.
Binigyaang diin din ni Cayetano sa naging konteksto ng usapan ng mga lider ay may kaugnayan sa kung paano imapayapang masosolusyunan ang hindi pagkakaunawaan sa pinag-aagawang teritoryo.
Kaugnay nito, tiniyak din ng kalihim na hinding hindi makikipag giyera ang Pilipinas dahil sa binibigyang halaga nito ang kapakanan ng bawat mamayang Pilipino.  
Matatandaang binatikos ng ilang kritiko, kabilang na si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, hinggil sa kahinaan ng Duterte Administration para solusyunan ang territorial dispute.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *