devin booker
Sports

Devin Booker itinanghal bilang youngest player na nakapagtala ng 50-point sa magkasunod na games sa NBA

NAGING youngest player sa kasaysayan ng NBA ang Phoenix Suns na si Devin Booker sa pagkakatala nito ng hindi bababa sa 50 puntos sa magkasunod na laro.

Nagtapos ang 22-year old na si Booker ng 50 points at 10 rebounds sa laban ng koponan sa Washington Wizard.

Gayunpaman, nasayang lamang ang puntos na ito ni Booker dahil sa kanilang pagkatalo sa iskor na 124-121.

Una namang nag-iskor si Booker ng 59 points sa 125-92 loss ng koponan kontra Utah Jazz nitong Martes.

Sa ngayon, ito na ang worst record ng koponan sa Western Conference na may limang magkasunod na pagkatalo.

Samantala, pinadapa naman ng Golden State Warriors ang Memphis Grizzlies sa iskor na 118-103.

Nanguna naman para sa panalo ng koponan si Stephen Curry na nakapagtala ng double-double na 28 points at 10 rebounds.

Hindi naman nakapaglaro para sa Warriors si Jordan Bell dahil sa ipinataw dito na suspensyon ng koponan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *