nakuhang talunin
Sports

Detroit Pistons, nakuhang talunin ang New York Knicks sa kabila ng malakas na depensa nito

HINDI naging madali para sa Detroit Pistons na talunin ang koponan ng New York Knicks sa naging match nila sa NBA season 2019-2020 ngayong araw.

Sa kabila nito ay tinapos pa din ng Pistons nang may siguradong panalo ang kanilang tunggalian sa score na 122-102.

Nanguna naman para sa panalo ng Detroit si Andre Drummond na nakapagtala ng 27 points, 12 rebounds at seven assists.

Tumulong din sina Tony Snell na kumamada ng 24 points at si Markieff Morris na nakapagpuntos ng 22 poinst para sa panalo ng Pistons.

Hindi naman nakapaglaro sina Blake Griffin, Derrick Rose at Reggie Jackson dahil sa iniindang injury.

Sunod namang makakaharap ng Pistons ang Indiana Pacers, bukas ng gabi.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *