Carpio-Morales
National

Detention kay dating Ombudsman Carpio-Morales sa Hong Kong, isang akto ng bullying

ISANG malinaw na pambu-bully ng China ang ginawa nito kay dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ito ang personal na pakiramdam ni Morales matapos itong biglaan hulihin ng Hong Kong Immigration Officers si Carpio sa Hong Kong International Airport.

Pero sa kabila nito, walang balak na magsampa ng anumang legal na aksiyon si Morales laban sa gobyerno ng China.

“That was bullying, is it not a bullying? How do you call it if its not bullying?” ayon kay Morales.

Ganito inilarawan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang naging karanasan nito sa kamay ng Hong Kong immigration police sa kaniyang pagbisita sana sa Hong Kong kasama ng kaniyang pamilya at mga apo.

Pero aminado ang dating justice na posibleng magkaroon ng aberya sa pagtungo niya sa Hong Kong dahil sa nauna na nitong aksiyon laban sa China kaugnay sa crime against humanity na ipinila nito sa International Criminal Court laban kay Chinese President Xi Jinping.

“I expected pero, it was farfetched, you know, kasi Hong Kong nga ‘yan eh, pero it turns out nga, Hong Kong is a regional administrative whatever,” aniya pa.

Pero sa kabila nito, walang balak na magsampa ng anumang reklamo si Morales kaban sa gobyerno ng China.

Pero babala pa ni Morales, mananatili siyang magiging vocal aniya sa pagtuligsa sa mga iregularidad ng China sa Pilipinas gaya ng mga nauna na nitong hakbang nang mag-file ito ng kaso sa International Court sa usapin ng territorial dispute.

“I’ll be the same…vocal in the same manner that I have been vocal before,” pagdidiin ni Morales.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *