BusinessNational

Desisyon ng komite sa prangkisa ng ABS-CBN, dapat irespeto — Palasyo

 

MULING iginiit ng Palasyo na sa mula’t-mula pa sinasabi na ni Pangulong Rodrigo Duterte na neutral ito sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kung dati mayroong hinanakit ang presidente sa naturang broadcasting network, ay pinatawad na ito ng Pangulo.

 

Binigyang-diin ni Roque na nagdesisyon na ang Committee on Legislative Franchises ng Mababang Kapulungan,

Binigyang-diin ni Roque na sang-ayon man o tutol ang sinuman sa desisyon ng Committee on Legislative Franchise,  kinakailangang respetuhin ito ng lahat sapagka’t dumaan aniya sa proseso ito.

 

“Walang ibang ahensya ng gobyerno na makapagbibigay ng prankisa kung hindi  ang House of Representatives, dapat magsimula diyan  at sang-ayon sa rules ng House of Representatives , kinakailangan paboran ng  House Committee on Franchise  bago makarating  sa plenary,” pahayag ni Roque.

 

Aminado naman ang Palasyo na mayroong malaking kawalan dahil hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN Corporation.

 

Sinabi ni Roque na mas matinding interview ang gagawin nila dahil nawala ang pinakamalaking reach para sa dissemination ng pamahalaan, gayunman, nararapat na tanggapin lang ang desisyon ng franchise committee dahil ito ang nakasaad sa Saligang Batas.

 

Pahayag ni VP Robredo na dictator move ang pagdeny sa prangkisa ng ABS-CBN, kinontra

 

Samantala, hindi sang-ayon ang Malakanyang sa pahayag ni Vice President Leni Robredo na nagpapakita ng dictator move ang naganap na pag-deny sa isinusulong na renewal ng prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

 

Binigyang-diin ng Palasyo na ang nangyari noong panahon ng martial law ay pinasara ang naturang media network habang ang kasalukuyang sitwasyon ay napaso ang prangkisa at hindi na-renew.

 

“With all due respect, we disagree but we do so vehemently. Alam po natin ang nangyari sa panahon ng martial law. May prangkisa po, pinasara. Pero nangyari po ngayon, napaso ang prangkisa, hindi na renew,” paglilinaw ni Roque.

 

Ipinunto rin ng Palace spokesman na kapag ang pamamahayag ay nakadepende sa prangkisa, kinakailangan ding masunod ang probisyon  ng Konstitusyon na dapat mayroong franchise na nanggagaling sa Mababang Kapulungan.

 

Sa kabilang banda, nakatitiyak ang Palasyo na lahat ng nawalan ng trabaho  sa ABS-CBN ay pwedeng kumuha ng benepisyo na binibigay ng pamahalaan sa lahat ng displaced workers.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close