pinayagan
National

Deputation ng militar at pulisya sa plebisito sa Compostela Valley ngayong sabado, pinayagan ni Pangulong Duterte

PINAYAGAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deputation ng militar at pulisya para matiyak ang kapayapaan at kaayusan ng plebiscite sa Compostela Valley sa December 7.

Tugon ito ng Pangulo sa hiling na tulong ng comelec mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa plebisito para sa pagratipika ng Republic Act No. 11297 o mas kilala bilang “An Act Renaming the Province of Compostela Valley as the Province of Davao De Oro.”

Sa Memorandum Order no. 42, inatasan ng chief executive ang AFP, PNP at iba pang Law Enforcement Agency na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa comelec para sa pagpapatupad ng kanilang trabaho at tungkulin.

Kasabay nito, nag-isyu din ang presidente ng proclamation 865 na nagdedeklara sa Disyembre a-7 bilang isang non-working holiday sa probinsya ng Compostella para bigyan-daan ang mga residente dito na aktibong makilahok sa plebisto at makaboto.

Nabatid na tanging ang Compostela Valley lamang sa Davao region ang walang pangalan na Davao.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *