Deployment template ng PNP para sa posibleng hard lockdown dulot ng Omicron variant, inihahanda na

Deployment template ng PNP para sa posibleng hard lockdown dulot ng Omicron variant, inihahanda na

NAGHAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng paghihigpit ng protocol sa bansa kaugnay sa pag-usbong ng bagong variant na Omicron.

Naalarma ang mga otoridad sa buong mundo sa na-detect na bagong Omicron coronavirus variant sa South Africa.

Kaugnay nito, inihahanda na ng PNP ang deployment template nito para sa posibleng pagpapatupad ng hard lockdown sa bansa.

Matatandaang, makailang beses nang nagpatupad ng hard lockdown o paghihigpit sa mga borders sa loob at labas ng bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Hindi aniya ito malayo ngayong may naitala na namang bagong variant ng COVID-19.

Pangamba ngayon ng PNP ang posibleng epekto nito sa nalalapit na halalan kung kakailanganin ang pagpapatupad ng hard lockdown.

Umaasa ang PNP na mapag aaralan ito ng Comelec upang hindi maantala ang nakatakdang botohan sa susunod na eleksyon.

Ayon pa sa PNP, maingat na binabantayan ngayon ng ahensiya ang abiso ng IATF para sa posibleng paghihigpit sa borders at health protocols sa bansa.

Pakiusap ng pnp sa publiko, panatilihin ang pag-iingat at pagsunod sa ipinatutupad na minimum health protocols laban sa bagong variant ng COVID-19.

Sa ngayon, bawal munang pumasok sa Pilipinas ang mga inbound flights sa pitong bansa sa Africa bunga ng pagkalat ng ngayo’y kinatatakutang mas mabagsik na variant ng COVID-19.

Kabilang dito ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *