panibagong bersyon ng OFW Department Bill
National

Deployment ng OFWs sa Japan, magsisimula sa susunod na dalawang buwan

MAGSISIMULA na ang deployment ng OFWs na nakatakdang magtrabaho sa Japan sa susunod na dalawang buwan.

Ito ang naging kumpirmasyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa naging pahayag ni Bello sa isang panayam, umamin ang secretary na  nagkaroon ng delay ang deployment sa kadahilanang mayroon pang mga karagdagang requirement na dapat punan ang mga OFW tulad ng language proficiency at skills upgrading.

Matatandaan naman na nitong Abril nang buksan ng bansang Japan sa mga foreign worker ang nasa 350 trabaho mula sa sektor nang paggawa tulad ng health care, building maintenance, electronics, at food industries.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *