DepEd, naglabas ng karagdagang P3.7-B para sa mga pampublikong paaralan

DepEd, naglabas ng karagdagang P3.7-B para sa mga pampublikong paaralan

IPINABATID ng Department of Education (DepEd) na nagpapatuloy ang kanilang paghahatid ng kinakailangang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang pagbibigay ng karagdagang pondo para sa MOOE ay para palakasin ang mga hakbang sa pagtugon ng panganib na dala ng coronavirus.

Sinabi ni Briones na malaking hamon ngayon ang paghahatid ng kalidad na edukasyon dahil sa pandemyang kinakaharap ng bansa.

Ayon sa kalihim, kailangang ipatupad ang mga fiscal policies upang maipagpatuloy ang pagsuporta sa lahat ng stakeholders.

May kabuuang P3.7-B na additional fund mula sa ahensya na ilalaan sa 16 Regional offices, 213 Division offices at 44,851 public schools nationwide.

Ang karagdagang pondo ay ilalaan para sa reinforcement ng new normal set-up sa kagawaran ng edukasyon at sa pagpapatupad ng minimum health requirements.

Kaugnay dito, ipinaalam naman ni Undersecretary for finance Annalyn Sevilla, para ito sa mga biniling supply ng ahensya para sa lahat ng teaching at non-teaching personnel na pumapasok, makatutulong ito na mabigyan sila ng proteksyon.

Saad ni sevilla, bagamat hindi pumapasok ang mg guro at mga bata sa paaralan ay mayroon pa ring mga personahe na nag-ooperate sa mga paaralan.

March 12, 2020 ng inilabas ng DepEd ang memorandum no.39 series of 2020, nakasaad na pinahihintulutan ang paggamit ng regular allocation para sa MOOE at local funds para sa ginagawang paghahanda at pagtugon sa banta ng COVID-19 ng bansang pilipinas.

Sinusuportahan ng nasabing memorandum ang DepEd order no.11 series of 2020 o ang Alternative work arrangements sa kagawaran ng edukasyon lalo na sa panahon ng state of national emergency dahil sa COVID.

Ang nasabing pondo ay ilalaan upang mapalakas ang Department order no. 14 series of 2020 o ang guidlines to required health standards sa basic education offices.

Binigyang diin ni usec. Sevilla na ang karagdagang pinagkukunan na pondo ay para sa paghahanda ng mga paaralan sa school Year 2021-2022.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *