DepEd, inilabas na ang school calendar para sa bagong academic year

DepEd, inilabas na ang school calendar para sa bagong academic year

INILABAS na ng Department of Education (DepEd) ang school calendar at mga nakatakdang aktibidad para sa school year 2021-2022.

Ayon sa DepEd, magsisimula ang pagbubukas ng klase sa Setyembre 13 at magtatapos sa Hunyo 24, 2022.

Patuloy namang ipinagbabawal ang pagsasagawa ng face-to-face classes maliban na lamang kung papayagan na ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Itinakda naman ang enrollment period mula Agosto 16 hanggang Setyembre 13 kung saan maglalabas ng hiwalay na guidelines ang DepEd ukol dito.

Dapat namang isagawa ang orientation na sakop ang curriculum, co-curricular programs, at ancillary services, isang linggo bago ang pagsisimula ng klase.

Habang ang general assembly ng mga stakeholder kabilang ang mga guro at mga magulang ay dapat gawin sa simula, kalagitnaan at katapusan ng school year.

Samantala, magsisimula ang christmas break sa Disyembre 20, 2021 at magtatapos sa Enero 2, 2022.

BASAHIN: DepEd, naglabas ng karagdagang P3.7-B para sa mga pampublikong paaralan

SMNI NEWS