DepEd
National

DepEd, inayawan ang pagsuspinde ng klase sa panahon ng kalamidad

Inayawan ng Department of Education (DepEd) ang panukalang ibalik sa kanila ang kapangyarihang suspendihin ang klase sa mga public schools kapag may tatamang kalamidad o sama ng panahon sa bansa.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na hindi magiging mabilis ang DepEd sa pag-alam kung ano ang sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa sakaling sinasalanta na ito ng kalamidad.

“The reason behind the policy of asking local government is, in terms of timeliness they would be much faster because they are right there; before DepEd official ever have.” – Secretary Leonor Briones, Department of Education

Naiintindihan ng kalihim ng Edukasyon na ayaw lang talaga ng lokal na pamahalaan na masisi.

Lalo na kapag nahuli na ito ng pagdeklara ng class suspension.

Kung kaya may iilan na nais nilang maibalik sa DepEd ang trabahong ito.

“I think the issue here who gets the blame.” – Secretary Leonor Briones, Department of Education

Naniniwala si Briones na mas magiging epektibo ang mga local government unit sa pagsuspinde sa pasok sa kanilang mga nasasakupan.

Ito ay dahil mas alam nila ang sitwasyon sa kanilang mga lugar.

Mas mabilis din nitong malalaman ang sitwasyon bago magdesisyon o magsuspinde ng pasok sa mga paaralan.

Magugunitang  hawak na dati ng DepEd ang kapangyarihang magdeklara ng class suspension sa mga pampublikong paaralan.

Kalaunan ay ibinigay na ito sa mga lokal na pamahalaan.

Naglatag na rin ng panuntunan kung saan dedepende sa storm signal number ang pasok sa bawat lebel ng klase.

Hannah Jane Sancho

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *